Browse » Home »
Health News
» Kaso ng Leptospiros Tumaas
Added
Thursday, July 14, 2011
, Under:
Health News
Pinayuhan ni Health Secretary Enrique Ona ang publiko na huwag maglaro sa tubig baha at gumamit ng rubber boots upang maiwasan ang leptospirosis matapos na mu ling tumaas ang bilang nito.
Mula Enero hanggang Hunyo 25, 2011, umaabot sa 521 kaso ang naireport o mataas ng 65.4 porsiyento kumpara sa nakaraang taon na umabot lamang sa 315 cases. Naitala naman sa 38 ang namatay.
Karamihan sa mga kaso ay mula sa Western Visayas, 131 cases; Bicol Region, 64, at Davao Region, 56.
Ang leptospirosis ay isang uri ng impeksiyon na nakukuha mula sa tubig na kontaminado ng mga ihi ng daga.
Kabilang sa mga sintomas ang lagnat, pa nginginig, matinding pananakit ng ulo na maaa ring mauwi sa meningitis, problema sa pag-ihi at paghinga na posibleng humantong sa kamatayan.
(source: Pilipino Star Ngayon)
Related Posts : Health News
By Kulas TV with
0
comments
0 comments: