First Aid Para sa mga Nanay

Siyempre dapat may alcohol, gasa, gunting, ice bag at cotton balls. May mga gamot din na laging ginagamit tulad ng (1) paracetamol para sa lagnat, (2) mefenamic acid para sa mga kirot sa katawan, (3) carbocisteine para sa ubo, (4) amoxicillin para sa mga impeksyon sa katawan, (5) loratadine para sa allergy at (6) burn ointment para sa paso.

May payo rin ako tungkol sa mga pangkaraniwang sakit at sakuna.

1. Pagtatae

Bigyan ng Oresol ang bata. Kung wala nito ay magtimpla ng 1 basong tubig, 2 kutsaritang asukal at ¼ kutsaritang asin. Painumin ito sa bata. Puwede din gamitin ang “am,” yung tubig ng sinaing at lagyan ng konting asin. Makakatulong ito para mapalitan ang nawalang tubig sa nagtataeng bata. Napakahalaga po ito. Kapag ayaw nang uminom o kumain ang bata, dalhin agad sa ospital. Tandaan, maghugas lagi ng kamay pagkatapos gumamit ng banyo.

2. Napaso

Ilubog agad sa ice or cold water and napasong parte. Kung walang yelo, puwedeng itapat sa aircon o idikit sa malamig na bote. Huwag lagyan ng kamatis o toothpaste ang napaso. Maling akala po ito. Lagyan na lang ng burn ointment na mabibili sa botika. Pagkatapos, takpan ng malinis na gasa ang sugat. Kapag nagka-blister ang sugat, huwag tusukin ito at baka ma-impeksiyon. Hayaang kusa na lumiit at pumutok ang paso.

3. Pumasok na insekto o bagay sa tenga o ilong.

Dalhin ang bata sa ospital. Huwag piliting ipasinga ang bagay at baka lalong lumalim ito. Huwag din gamitan ng cotton buds, dahil mas papasok sa loob ng tainga ang bagay. Kung hindi maingat, puwede pang mabutas ng cotton buds ang ating ear drum. Huwag mag-experimento. Kumunsulta sa doktor.

4. Nakalulon ng bagay.

Kung maliit na bagay ang nalunok, tulad ng holen, butones, barya, ay puwedeng obserbahan lang ang bata. Kapag sumakit ang tiyan ay dalhin sa ospital. Ngunit kung matulis ang nalunok na bagay tulad ng pardible, ay dalhin agad sa ospital para masuri ng doktor.

5. Napuwing ang mata

Hugasan ang mata sa running water para matanggal ang puwing. Kung may kasamang marunong, puwede ring gumamit ng basang cottonbuds para maalis ang puwing. Puwede din obserbahan muna ang puwing dahil may sariling paraan ang ating mata na magluha at mailabas ang puwing. Kapag ayaw mawala ang puwing, kumunsulta sa isang Emergency Room o espesyalista sa mata. Maging maingat at maagap sa ating kalusugan.
By Kulas TV with 0 comments

0 comments:

Leave a Reply

TAGS

acne (4) Acupuncture (2) ADHD (1) Aerobics Cardio (2) Agriculture (3) Alkaline (1) Allergies (4) Aloe Vera Extract (1) Alternative (7) Alternative Medicine (13) Anti Aging (2) antioxidant (1) Arthritis (7) Asthma (4) Baby and Children's Health and Common Tips (3) Baby Tips (1) Back Pain (7) Basic Needs (3) beautiful (1) best fitness tip (3) Better Health (2) body fat (1) Bowling (6) Brain Function Disorders (2) By Dr. Robert Young (1) Caesar salad (1) Calorie Ice Cream (1) Cancer (8) Child Care and First Aid (3) Cleansing Diet (1) coffee (1) Colorful Fruit (4) Conditions Disabilities (1) Cook Organic (1) Cooking with Fresh Herbs (1) cosmetic (1) Dairy Beverages (2) detox herbs (1) Detoxification And Body Cleansing (8) Diabetes (24) Diet (15) dieting (1) Digestion (1) Digestive System (6) Disease alert (2) Diseases and Conditions (5) DRINKS (4) Environment (2) exercise (5) Eyes Vision (1) Fertility (1) Fish (2) Fish Oil (2) Fitness (3) fitness question (1) fitness tip (2) fitness tip of the day (4) Food (4) Fruits (3) Good Diet For Better Health (1) Green diet (1) green drink cocktails (1) Green drinks (1) Green hamburger (1) Hair (1) Headaches (4) Healer for Skin Problems (1) healing properties (1) Health (2) Health and Fitness (51) Health and Lifestyle (6) Health and Wellness (1) Health Benefit (1) health drink (1) Health Food (1) Health Lifestyle (3) Health News (92) Health Publications (1) HEALTH TIP OF THE DAY (1) Health Tips (23) Healthiest Foods (2) healthy (1) Healthy Cook Recipes (10) Healthy Eating (1) Healthy Eating Habits (1) Healthy Food (6) healthy lifestyle (1) Healthy Liver Function (1) Healthy Organic Cooking (1) healthy recipes (2) Heart and Blood Circulation (18) Heart Disease (1) Hemorrhoids (1) Hepatitis (1) Herbal medicine (1) Herbal Weight Loss (1) Home and Family (4) How to (2) Hypertension (1) Hypoallergenic Skincare (1) Informative (2) Irish Salad (1) JUICE (16) Kalusugan Mo (11) Kidney (1) Kitchen Design (1) lemon (1) Leukemia (1) lose weight (3) Lower Cholesterol Levels (2) Lungs (1) Medicine (5) Men Health (4) Menopause HRT (2) Mesothelioma (5) Migraine (3) Mount (1) Mouth (1) Mr Ube (1) mulberry (1) Natural News (1) Naturals (1) Nose (4) Nutrition (4) Nutrition And Diarrhea (1) Nutrition and Supplements (3) Obesity (12) optimum nutrition (1) Osteoporosis (1) Pesto Sauce (1) Philippine news update (1) Pneumonia (1) Popular Diets (5) PowerPlus (3) Pregnancy (8) Psychologist (2) Quit Smoking (6) Radiation (1) recipes (1) Recreation and Sports (8) Root Juice (1) Salad Recipes (1) SEQ (1) Sexual Desire (1) Sexual Pleasure (1) Shop and Cook Healthy (1) Sinus Infection (1) sinusitis (2) skin (3) skin care (2) Sleep Disorders (5) Smart Snacks (1) Smoking (2) Sore Throat (1) Sprouts (1) Stomach (1) Stress (3) Surgery (1) tea (2) tea pots (1) teapot (1) Teeth and Gums (3) The Role Of Nutrition (1) Thermometer (1) Tibicos Mushroom (1) top 10 (1) top health benefits (2) Traffice (1) Transmitted Infections (6) Treating Gingivit (1) treatment (2) Using herbal remedies (1) UTI (1) Vegetables (2) Vita-Mix Food (1) Vitamin D (2) Water Ionizer (2) Weight (2) Weight Loss (11) Weight Loss Tips (4) Women Health (5) Womens Interests (2) wrinkles (1) yoga (1) You are What You Eat (1)