Sakit ng Ulo

Literal na sakit ng ulo ang tinutukoy ko sa pamagat. Nais kong ta­lakayin ang isang karamdamang nararanasan nating lahat. Karamihan ng sakit ng ulo ay maikli lang ang itinatagal at ‘di gaanong matindi.

Ito’y hindi naman bagay na ikababahala.

Ngunit kapag may sakit ng ulo na kaiba, halimbawa, matagalan at matindi, baka seryosong usapin na ito. Dati-rati’y malimit kong maengkwentro ang migraine. Ito’y isang uri ng sakit ng ulo na tila nararamdaman sa isang bahagi lang ng ulo at napakatindi ng sakit.

May mga pagkakataon noon na tumatagal ng tatlong araw ang aking migraine.

Ang katangian ng sakit ng migraine ay parang may kumikirot-kirot na tila may pumupukpok sa likod ng isang mata. Kaakibat pa nito ang pakiramdam na nahihilo at naduduwal. Ang nais mo lamang gawin ay humiga sa isang silid na walang liwanag at ingay. Kung noon ay mabilis akong uminom ng tabletang panlaban sa sakit, ngayo’y sa natural na paraan ko na ito pinapawi. Acupuncture ang sa tingin ko ang pinakamabisa.

Merong ibang klaseng sakit ng ulo na hindi naman nakakaalarma. Ang biglaang pagbago ng klima ay isa sa mga sanhi. Kung halimbawa tayo’y lumi­lipat mula sa malamig na kwartong may aircon patungong kalsada kung saan matindi ang init ng araw, malamang na makaranas tayo ng sakit ng ulo.

Gayundin, ang mga sitwasyon tulad ng kakulangan ng tulog at labis na stress o tensyon ay hahantong din sa sakit ng ulo. Tension headache ang isa pang uri ng sakit ng ulo. Ibig sabihin, may kaugnayan sa emosyon.

Maaring magmula ito sa labis na tensyon sa gabundok na trabaho. O kaya’y sa mga suliranin sa relasyon. Ang pakiramdam ng tension headache ay parang may rubber band na nakatali sa palibot ng ulo.

Masahe lang ang pagpawi nito.

Marahil alam din ninyo ang sakit ng ulo sanhi ng problema sa mata.

Matutukoy ito kung maramdaman ang sakit ng ulo matapos magbasa nang matagalan. Kung napupuna ito, mas maiging tumungo sa doktor sa mata.

Minsan din kapag barado ang mga sinus (lugar sa gilid ng ating ilong at sa ibabaw ng mga kilay), nakakaranas ng sakit ng ulo. Muli, doktor na espesyalista sa tenga, ilong at lalamunan ang maiging puntahan.

Kelan tayo dapat maging balisa sa kondisyon ng sakit ng ulo? Ayon sa mga doktor, ang pagsusuka habang may sakit ng ulo ay isang nakababahalang hudyat. Maari kasing may stroke na ang tao. Kapag meron ding lagnat, ito’y maaring typhoid o meningitis, isang impeksyon sa utak. Ngunit hindi ito laging tiyak na konklusyon. Ang mahalaga’y maobserbahan at masabi sa doktor na siyang magsusuri.

May ilang sintomang dapat nating pagkaabalahan. Anumang biglaang panghihina ng braso o paa. Pamamanhid ng isang parte ng mukha.

Biglang bulol ang pananalita. May kahirapan sa paglakad o nawawalan ng balanse sa pagtayo o paglakad. Lumalabong paningin o dumodoble ang nakikita. Kabuuang panghihina ng katawan. O kaya’y kalituhan. At ma­tinding sakit ng ulo.

Lahat ito’y paglala­rawan ng kondisyon ng stroke. Higit itong naeeng­kwentro ng mas nakatatanda lalo na ‘yung may mataas na presyon, sakit sa puso at diabetes. Payo ng mga doktor, kapag ang mga sintomas na ito’y mangyari nang biglaan, tumuloy na sa ospital at mag-check in.

Isa pang duda ng mga taong nagkakasakit ng ulo ay pagkakaroon ng tumor sa utak. Ngunit hindi raw ito tamang akala. Bihira daw ang sakit na ulo bilang unang hudyat ng tumor. At karamihan ng tumor ay walang hatid na sakit ng ulo. Ngunit may mga test sa laboratoryo na pwedeng magsabi kung may tumor nga o wala.

Sa kabuuan, karamihan ng sakit ng ulo ay ‘di talaga gaanong nakaaalarma.

Naglalaho rin lang ito sa kalaunan. Ngunit mahalagang obserbahan ang mga pinagmumulang sanhi upang maibahagi sa doktor na kukonsultahin.

Ang sa akin lang ay iwasan ang mabilis na pag-inom ng tableta.

Mas maigi pa rin ang mga natural na opsyon sa pagpawi ng sakit ng ulo lalo na kung ito’y bunga ng stress, tensyon at pagbago ng klima.

Alamin ang mga pagkaing dapat iwasan. Humiling ng kooperasyon sa mga kasambahay na panatilihin ang katahimikan sa paligid. Nariyan din ang opsyon ng acupuncture at pagpapamasahe. Mas mainam pa rin ito kaysa sa kemikal na ipapasok sa ating katawan.

Source: Abante Online
By Kulas TV with 0 comments

0 comments:

Leave a Reply

TAGS

acne (4) Acupuncture (2) ADHD (1) Aerobics Cardio (2) Agriculture (3) Alkaline (1) Allergies (4) Aloe Vera Extract (1) Alternative (7) Alternative Medicine (13) Anti Aging (2) antioxidant (1) Arthritis (7) Asthma (4) Baby and Children's Health and Common Tips (3) Baby Tips (1) Back Pain (7) Basic Needs (3) beautiful (1) best fitness tip (3) Better Health (2) body fat (1) Bowling (6) Brain Function Disorders (2) By Dr. Robert Young (1) Caesar salad (1) Calorie Ice Cream (1) Cancer (8) Child Care and First Aid (3) Cleansing Diet (1) coffee (1) Colorful Fruit (4) Conditions Disabilities (1) Cook Organic (1) Cooking with Fresh Herbs (1) cosmetic (1) Dairy Beverages (2) detox herbs (1) Detoxification And Body Cleansing (8) Diabetes (24) Diet (15) dieting (1) Digestion (1) Digestive System (6) Disease alert (2) Diseases and Conditions (5) DRINKS (4) Environment (2) exercise (5) Eyes Vision (1) Fertility (1) Fish (2) Fish Oil (2) Fitness (3) fitness question (1) fitness tip (2) fitness tip of the day (4) Food (4) Fruits (3) Good Diet For Better Health (1) Green diet (1) green drink cocktails (1) Green drinks (1) Green hamburger (1) Hair (1) Headaches (4) Healer for Skin Problems (1) healing properties (1) Health (2) Health and Fitness (51) Health and Lifestyle (6) Health and Wellness (1) Health Benefit (1) health drink (1) Health Food (1) Health Lifestyle (3) Health News (92) Health Publications (1) HEALTH TIP OF THE DAY (1) Health Tips (23) Healthiest Foods (2) healthy (1) Healthy Cook Recipes (10) Healthy Eating (1) Healthy Eating Habits (1) Healthy Food (6) healthy lifestyle (1) Healthy Liver Function (1) Healthy Organic Cooking (1) healthy recipes (2) Heart and Blood Circulation (18) Heart Disease (1) Hemorrhoids (1) Hepatitis (1) Herbal medicine (1) Herbal Weight Loss (1) Home and Family (4) How to (2) Hypertension (1) Hypoallergenic Skincare (1) Informative (2) Irish Salad (1) JUICE (16) Kalusugan Mo (11) Kidney (1) Kitchen Design (1) lemon (1) Leukemia (1) lose weight (3) Lower Cholesterol Levels (2) Lungs (1) Medicine (5) Men Health (4) Menopause HRT (2) Mesothelioma (5) Migraine (3) Mount (1) Mouth (1) Mr Ube (1) mulberry (1) Natural News (1) Naturals (1) Nose (4) Nutrition (4) Nutrition And Diarrhea (1) Nutrition and Supplements (3) Obesity (12) optimum nutrition (1) Osteoporosis (1) Pesto Sauce (1) Philippine news update (1) Pneumonia (1) Popular Diets (5) PowerPlus (3) Pregnancy (8) Psychologist (2) Quit Smoking (6) Radiation (1) recipes (1) Recreation and Sports (8) Root Juice (1) Salad Recipes (1) SEQ (1) Sexual Desire (1) Sexual Pleasure (1) Shop and Cook Healthy (1) Sinus Infection (1) sinusitis (2) skin (3) skin care (2) Sleep Disorders (5) Smart Snacks (1) Smoking (2) Sore Throat (1) Sprouts (1) Stomach (1) Stress (3) Surgery (1) tea (2) tea pots (1) teapot (1) Teeth and Gums (3) The Role Of Nutrition (1) Thermometer (1) Tibicos Mushroom (1) top 10 (1) top health benefits (2) Traffice (1) Transmitted Infections (6) Treating Gingivit (1) treatment (2) Using herbal remedies (1) UTI (1) Vegetables (2) Vita-Mix Food (1) Vitamin D (2) Water Ionizer (2) Weight (2) Weight Loss (11) Weight Loss Tips (4) Women Health (5) Womens Interests (2) wrinkles (1) yoga (1) You are What You Eat (1)